Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza. Modesto de Castro
Чтение книги онлайн.
Читать онлайн книгу Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza - Modesto de Castro страница 4
CAASALAN SA SARILI
Si Urbana cay Feliza.—MANILA …
FELIZA: Aquing naisulat na sa iyo, ang madlang cahatoláng ucol sa paglilingcód sa Dios, n~gayo,i, isusunód co áng nauucol sa sarili nating catauan. Sabihin mo cay Honesto, na bago masoc sa escuela, maghihilamos muna, suclain aayosin ang buhóc, at ang baro,t, salauál na gagamitin ay malinis; n~guni,t, ang calinisa,i, houag iuucol sa pagpapalalo. Houag pahahabaing lubha ang buhóc na parang tulisan, sapagca,t, ito ang quinagagauian nang masasamang tauo. Ang cucó houag pahahabain, sapagca,t, cun mahaba, ay pinagcacaratihang icamot sa sugat, sa ano mang dumi nang catauan, nadurumhan ang cucó, ay nacaririmarim, lalonglalo na sa pagcain. Bago magalmosal, ay magbigay muna nang magandang arao sa magulang, maestro ó sa iba cayang pinaca matandá sa bahay. Sa pagcain, ay papamihasahin mo sa pagbebendición muna, at pagcatapos, ay magpasalamat sa Dios. Cun madurumhán ang camay, muc-ha ó damit, ay maglinis muna bago pa sa escuela. Houag mong pababayaan, na ang plana, materia, tarsilla ó regla, papel, libro,t, lahat nang ga~gamitin sa escuela ay maguing dun~gis dun~gisan. Cun naquíquipagusap sa capoua tauo, ay houag magpapaquita nang cadun~goan, ang pan~gun~gusap ay totouirin, houag hahaloan nang lanyós ó lambing houag cacamotcamot ó hihilurin caya ang camáy ó babasin nang lauay ang daliri at ihihilod mo pa n~ga,t, houag magpapaquita nang casalaolaan. Sa harap nang ating magulang ó matandá caya, ay houag mong pababayaang manabaco, ó man~gusap caya nang calapastan~ganan, ó matunog na sabi. Cun naquiquipaglarô sa capoua bata, ay houag tulutan na maglapastan~gan, ó dumhán caya ang damit nang iba, at pagpilitian mo na yaong caraniuang uicain nang tauo, na ang masamá sa iyo,i, houag mong gauin sa iyong capoua, ay itanim sa dibdib at alinsunurin. Sa capoua bata, ay houag magbibigay nang cacanin na may cagat, ó marumi. Matanda at bata, ay may pinagcacaratihang casalaolaan, na carima-rimarin. Cun naquiquipagusap sa capoua tauo, caraca-raca,i, ilalagay ang daliri sa ilóng at sisin~gá. Ca-iin~gat, Feliza, na ito,i, gauin ni Honesto. Cun sisin~ga man ay sa panyô ay marahang gagauin, itatalicód ang muc-há ó lumayo caya. May isa pang pinagcacabihasnan ang caramihan nang tauo, na cun naquiquipagusap sa capoua, ay ang camáy ay iquinacamot sa haráp. ¡Asal na cahalayhalayan na nacapopoot sa malilinis na loob. Caiin~gat na ito,i, pagcaratihan nang bata. Cun may lalabas na masamang amoy, ay lumayo sa tauo, houag pamalay at nang di mapan~ganlang salahula: Adios, Feliza, hangang sa isang sulat.—URBANA.
SA ESCUELAHAN
Si Urbana cay Feliza.—MANILA …
FELIZA: Itong man~ga huling sulat co, sa iyo, na may nanucol sa calagayan mo, at ang iba,i, aral cay Honesto, ay ipinaoonaua co, na di sa sariling isip hinan~go, cun di may sinipi sa man~ga casulatan, at ang caramihan ay aral na tinangáp co cay Doña Prudencia, na aquing Maestra: at siyang sinusunód sa escuela namin caya ibig co disin, na sa ating man~ga camaganac, sa man~ga escuela sa bayan at man~ga barrio, ay magcaroon nang man~ga salin at pag aralan nang man~ga bata. Ipatuloy co ang pagsasaysay nang man~ga cahatolan.4
Si Honesto, bago pa sa escuela, ay pabebendicion muna cay ama,t, cay ina; sa lansan~gan, houag maquiquialám sa man~ga pulong at auay na tinatamaan, matouid ang lacád, houag ngin~gisi-n~gisi, manglilibác sa capoua bata, ó lalapastan~gan sa matandá, at nang houag mauica nang tauo, na ualang pinagaralan sa magulang. Cun magdaraan sa harap nang simbahan, ay magpupugay, at cun nalalapit sa pintoan ay yuyucód. Pagdating sa bahay nang maestro ay magpupugay, magbibigay nang magandang arao, ó magandang hapon, magdasál na saglit sa haráp nang man~ga santong larauan, na pinagdadasalán nang man~ga escuela, hihin~ging tulóng sa Dios at cay Guinoong Santa Maria, at nang matutong gumauá nang cabanalan, at maisaulo ang leccióng pinagaaralan. Cun sa escuela may pumasoc na sacerdote, capitan, mahal na tauo ó matandá, ay tumindig, magbigay nang magandang arao, ó magandang hapon, at houag uupó hangang hindi pinaguutusan. Ang galang na ito,i, houag icahihiyang gauin, sapagca,t, ang cagalan~gan ay capurihán nang gumagalang, at di sa iguinagalang. Ang batang may bait at dunong, ay capurihán nang magulang, at ang caniyang quilos, pan~gun~gusap at asal, ay nagsasaysay na mahal ang asal nang nagturong magulang. Pagpilitan mo na houag catamaráng pagaralan ang lección; cun di matutuhan, ay mag-tanong sa, capoua escuela ó sa maestro caya, houag mahihiya, sapagca,t, cung hiyas nang isang marunong ang suman~guni sa bait nang iba, ay capurihán naman nang isang bata ang mag-tanong sa marunong, sapagca,t, napahahalata na ibig matuto,t, maramtan ang hubád na isip, nang carunun~ga,t, cabaitan; cun di agád matutuhan ang lección, ay houag mabubugnót mag-tiagang magaral, sapagca,t, ang carunun~gan ay bun~ga nang catiagan.
Cun di tinatanong nang maestro, ay houag sasagót, at cun matatanong ay tumindig muna, at sáca sumagót. Gayon din ang gagauin sa matandá ó guinoong causap.
Pagbilinan mo, na huag magpahalata sa capoua escuela, na siya,i, nanaghili sa mariquit na gayac, carunun~gan cayamanan, camahalan nang capoua, bata, sapagca,t; maguiguing capintasan sa caniyang asal.
Sa capoua bata, houag magsasalitá nang nangyayari sa ating bahay, nang icamumura sa capoua tauo, at sa ating bahay naman, ay huag ipapanhic ang naquiquita sa escuela, sa lansan~gan at sa bahay nang iba, lalo na cun na-ooui sa paninira nang puri, at cung sacali magupasala sa tauo ay sauain, at cun umulí pa,i, parusahan.
Cun sacali macarinig sa capoua bata nang mura sa magulang ó camaganac na may bait ay ipagtangól nang banayad at matouid na sabi, at pagdating sa bahay ay ilihim at nang di pagmulan nang pagaaway. Turoan mong maquípagcasundó si Honesto sa capóua bata, houag manampalasang magmura manungayao, at cun sacali,t, may lumapastan~gan sa caniya ay ipagtangól ang catouiran nang banayad na uica, at cun sacali nauucol na isumbong sa maestro, ay houag daragdagan, houag magpaparatang nang sala sa iba, sa pagnanasang maca panghiganti, sapagca,t, ang manghiganti; ay an~gat sa camahalan nang asal.
Cung siya,i, magsasalitá,t, ayao paniualaan nang casalitáan, ay houag patotohanan nang sumpà, sapagca,t, ang manumpâ sa ualang cabuluhan ay tandâ nang cabulaánan.
Sa escuela, cun may maquitang cacanin, ay houag pa~ngahasang canin hangang di pagutusan, at nang di paguicang matacao.
Sa ano mang utos nang maestro, at ayon sa matouid, ay umalinsunod, at cun sacali,t, maparusahan ay houag mabubugnót, matamisin sa loob ang parusa,t, nang houag maquitaan nang capalaloan.
Cung macapagleccion na,t, pahintulutan nang maestro na omoui, ay lumacad nang mahusay, houag palin~galin~ga, magpatuloy omoui sa bahay, at pagdating ay magdasál, at pagcatapos, ay humalic sa camay ni ama,t, ni ina, at gayon din ang gagauin sa hapon.
Sabihin mo cay ina, na di co sila nililimot sa harapán ng Dios, at malayo man aco ay hinihintay co ang canilang bendicion: Adios, Feliza, hangang sa isang sulat.—URBANA.
SA SALITAAN
Si Urbana cay Felisa—MANILA....
FELIZA: Sa malabis na cadun~goan nang man~ga bata cun quinacausap nang matanda ó mahal cayang tauo, ang marami ay quiquimiquimi at
4
Barrio ang tauag nang una,i, Naic, n~gayon ay Nayon.