Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza. Modesto de Castro
Чтение книги онлайн.
Читать онлайн книгу Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza - Modesto de Castro страница 5
Cung man~gun~gusap ay touirin ang catauan, ayosin ang lagay. Ang pagsasalitá naman ay susucatin, huag magpapalampás nang sabi, humimpil cun capanahonan, at nang huag pagsauaan. Cun naquiquipagusap sa matandâ ma,t, sa bata, ay houag magsabi nang hindi catotohanan, sa pagca,t, ang cabulaanan ay capit sa tauong traidor o mapaglilo.
Ang pagsasalitá ay sasayahán, ilagay sa ugali, ituntóng sa guhit, houag hahaluan nang cahambugán, at baca mapara doon sa isang nagsalitang hambog, na isinagót nang causap. Fúú, Fúú, na ang cahulugán ay, habagat, habagat. Huag magpalampás nang sabi at baca maparis doon sa isang palalo na sinagót nang caharáp: hintay ca muna amigo,t, cucuha aco nang gunting at gugupitin co ang labis.
Sa paquiquipagharáp, ay mabuti ang nagmamasid sa quinacausap, at cun macaquita nang mabuting asal sa iba, at sa iba,i, cahan~galan, ay dampotin ang cabaitan at itapon ang casamán n~guni, ang nagcamali ay houag alipustain, sapagca,t, ang magpautang nang masama, malao,t, madali ay pagbababayaran. Bago bigcasin ang bibig, ang sasabihin ay iisipin muna, at susundin yaong hatol ni San Agustin ang minsang bibitiuan nang dila ay paraaning macalaua sa quiquil, sa macatouid ay sa bait. Caiin~gat at ang sabihing masama sa minsang mabitiuan, ay di na madarampot.
Sa pagsasalitat,i, houag cucumpáscumpas, ilagan ang in~gay, at nang di nacabibin~gi; masama rin naman ang totoong marahan, sapagca,t, nacayayamót sa quinacausap.
Houag magnanasang maghari sa salitaan at magsabi nang icapupuri sa sariling catauan, sapagca,t, ang mapagmapuring tauo,i, bucód sa di pinaniniualaan, ay naguiguing catatauanan at pangalio sa salitaan.
Cun tumama nang isang hambóg, ay houag salansan~gin paraaning parang han~gin, at nang houag pagmulan nang usap.
Cun macatama nang isang matabil, na di nan~gan~gauit magsalitá, ay maghunos dili sa gayong asal, ilagan ang catabilán, sapagca,t, nacayayamot sa causap. N~guni,t, cun masama ang matabil na lubha, ay masamá rin naman ang magasal tan~gá, na nacatingalá na parang napahuhula. Ilagan ang catabilán, at ayon din ang catan~gahan.
Houag maghihicáb ó magiinat, at nang di uicaing nayayamót, ó pinauaualang halagá ang causap.
Sa pagbibiroan, ay houag bumigcás nang masaquit na sabi, na sucat damdamin nang causap. Ano pa n~ga,t, sa pagsasalita,i, angquinin yaong refran na caraniuang sabihin: ang masama sa iyo,i, houag mong gauin sa capua mo tauo.
Cun icao Feliza,i, may ipagdadalamhati, ó iquinapopoot caya sa casama sa bahay, at may pumanhic na tauo,i, huag cang magpahalatá nang calumbayan ó cagalitan; tipirin ang loob, sapagca,t, sa man~ga desgracia ó basagulo sa bahay, ay isang cagamutan ang lihim. At cun may isang secreto ó lihim, ay pacain~gatan mo, na parang isang mahalagang hiyas.
Sa pagsasalita,i, houag magasal pusóng ó bobo, sapagca,t, cun tapós na ang toua at salitá, at pagisip-isipin ang guinaua, ay ang natitira,i, cahihiyan at sisi sa loob na sarili.
Cun may pumupuri sa iyo, ay di dinadaan sa tuyà, ay isaloob mo yao,i, nagmulá sa caniyang magandang loob, at di sa inin~gat mong cabutihan, at gantihin mo nang maraming salamat. Cun may pinupuri ca sa haráp, ay iin~gatan mo ang pagbigcás nang sabi at baca uicaing siya,i, tinutuyá mo.
Huag ituturo nang daliri ang quinacausap; at cun sacali,t, matandá, guinoó ó mahal, ay houag iparis sa iba, at uicaing casintandá mo ó casing taas mo.
Cun macaquita nang bata, ay huag pintasan at tauanan ang caniyang cagandahan ó capan~gitan, sapagca,t, pan~git man at magandá, ay gauang lahat nang Dios; Gayon din naman, cun may ibang nagpaquita nang canilang gauá, ó magsaysay nang canilang abilidad ó carunun~gan, ay tapunan nang caunting puri, at palibhasa,i, siyang nasa.
Sa pagsasalita,i, cun may mamali ó magalan~gan nang pagsasabi, ay houag pan~gunahan. At cun macapansin nang calupitán ó iba cayang capintasan, ay paraanin, at sucat ang ilagan.
Ang quinacausap, ay houag camamalasin na parang may sinisiyasat, at houag namang italicód ang muc ha, na parang pinauaualang halaga ang quinacausap. Cun marami ang caharap, ay houag iisa lamang ang tatapunan nang salitá, at tatalicdán ang lahat, sapagca,t, mahahabag sa sariling calooban. N~guni,t, cun may mataas na tauo sa m~ga causap, ay siyang causapin, gayon man, ay di carapatang paualang halaga ang iba.
Cun darating sa isang pagpulong ay houag magusisa cun anong pinagsasalitaan, lalo, na at cun ibig ilihim.
Cun ang man~ga capulong iba,t, iba ang uri, may mataas, may mababa ay babagayan naman ang isa,t, isa nang ucol sa paquiquipagusap, houag magcuculang sa cani-caniyang calagáyan. Adios Feliza.—URBANA.
PARAAN NANG PAGSULAT
MANILA.....
MINAMAHAL CONG CAPATID: Ang isang sulat ay isang pagsalin sa papel nang na sa isip at sa loob, pinagcacatiuala, at nang matantó nang pinagpapadalhán.
Ang sulat ay isang salitaan sa papel, caya ang letra ay dapat linauan, at ang pan~gun~gusap ay ilagay sa ugali.
Cun ang sinusulatan ay caibigan at capahayagan nang loob ay pahintulot ang humaba ang sulat, at palibhasa,i, marami ang masasaysay.
Cun ang ibig sabihin sa sulat, ay isang bagay lamang, at ang sinusulatan ay di caibigan, hindi catampatan ang magsaysay nang ibang bagay.
Ang sulat, ay ibabagay sa sinusulatan, at gayon din ibabagay ang paquiqui usap. Iba ang sulat nang mataás sa mababang tauo, at nang mababa sa mataás; iba ang sulat nang matanda sa bata, at nang bata sa matanda.
Ang gulang na cailan~gang gamitin nang bata sa matanda,i, hindi cailan~gan sa sulat nang matandá sa bata; maliban na lamang, cun sa bata ay may naquiquitang bagay na sucat igalang.
Ang di pagcatutong maghanay nang sulat, ang sumulat nang lihis sa reglas nang arte; na ang tauag ay gramática, ay nagsasaysay na ang sumulat ay culang sa pag aaral.
Salamat Feliza, at icao ay nagsaquit matutó; at si Honesto ay pinagsasaquitan mo.
Ang sumulat nang lihis sa regla, ay capintasán sa isang dalaga, at lalong pansin sa man~ga lalaqui.
Ang papel na gagamitin, ay malinis at fino, lalo cun ang sinusulatan ay di caratihan.
Ang sulat, bago ipadala, ay sarhan at laguian nang sello.
Pagtangap nang sulat, cun sa biglaan, ay catampatang saguting madali, at di man biglaan, ay dapat na sagutin, at ang di pagsagot, ay nagsasaysay na tayo ay culang sa pinagaralan.
Ang bigcás nang sabi, ay houag tataasan, at nang di mauica na tayo,i, nagpapalalo: ilagay sa catatagán at nang di icapintas sa atin.
May bago n~gayong caugalian na ang sobre ó taquip nang sulat, ay bucod na papel: ang sulat ay ipaloloob sa sobre, at sa licod ay di sinusulatan nang n~galan nang pinadadalhan.
Ang pliegong gagamitin ay boó, cahit man~ga ilang uica lamang ang itatalá sa papel.
Bago sumulat, ay isipin muna; at nang di tayo macapagbigay poot; lilinauan, at nang di i-ucol sa masama.
Cun maraming bagay ang sasabihin, ay pagbucdin-bucdin, at di dapat na pagpisanin sa isang pitac: at sa pinacadaquila ó mahalagang bagay ucol na simulán.
Ang letrang diquit-diguit na nacaguguló, ang dalauang uica na di paghiualayin, ang n~galan nang tauo, ciudad ó bayan na di punoan nang muyúscula ó letrang malaqui, ay pan~git sa isang lalaqui at capintasan sa isang babaye; gayon ang alin mang mali na laban