Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani . Морган Райс

Чтение книги онлайн.

Читать онлайн книгу Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani - Морган Райс страница 5

Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani  - Морган Райс Singsing ng Salamangkero

Скачать книгу

Matapos ang isang araw na Pakikipagsapalaran, makakarating na sila sa kaharian. Nakikita ni Thor ang imahe ng kanilang pagdating kasabay ng pagsalubong ng mga taong nakabihis ng maganda habang binabati ang mga bagong napili, ang mga tauhan ng kaharian at ang mga miyembro ng Silver. Doon na sila maninirihan, bibigyan ng lugar na matutuluyan kasama ang ibang miyembro ng Legion. Isang lugar kung saan sila sasanayin na humawak ng mga dekalidad na mga sandata. Bawat bagong pili ay ipapareha sa isang mandirigma upang siyang magsanay dito. At balang araw, ay magiging mandirigma na rin sila,magkakaroon ng mga bagong armas at magsasanay ng mga bagong pili. Makikihalubilo sila sa mga kasiyahan sa kaharian at makikisalo sa hapag ng hari. Ito ang klase ng buhay ng pinangarap ni Thor at lahat iyon ay nakawala na sa kanyang mga palad.Nakaramdam si Thor ng pisikal na panghihina, ngunit sa tingin niya ay nasa isip niya lamang ang lahat. Ngunit hindi. May bahagi ng kanyang pagkatao na sumisigaw sa kanya. Sinasabihan siya na huwag sumuko,na hindi ito ang kanyang tadhana. Hindi niya alam kung saan iyon nanggagaling ngunit alam niyang wala ito doon sa tabi niya. Naramdaman niyang siya ay kakaiba. Walang makakaintindi sa kanya. Dahil lahat ay minaliit siya.Narating ni Thor ang tuktok ng pinakamataas na burol at kanyang nakita ang mga alagang tupa. Sinanay sila ng mabuti kaya magkakasama pa din ang mga ito habang kumakain ng kahit anong damo na kanilang makita. Binilang niya ang mga ito habang tinitingnan ang mga pulang markang kanynag inilagay sa mga likod nito. Bigla siyang natigilan. Isang tupa ang nawawala.Bunilang niya ito ng paulit ulit. Hindi siya makapaniwala. Isang tupa ang nawawala.Hindi pa nangyari ito noon at hinding hindi ito palalampasin ng kanyang ama. Ang masama pa dito, hindi niya gusto ang ideya na nagiisa at nawawala ang kanyang tupa. Ayae niyang makakita o isipin na nagdudusa ang isang inosenteng nilalang.Agad siyang tumayo pataas at hinagilap ang nawawalang tupa. Hanggang sa matanaw niya ito sa kabilang burol,ang nagiisang tupa, na may pulang marka sa likod nito. Ito ang pinaka mailap sa lahat ng kanyang mga alaga. Nalaglag ang kanyang puso ng kanyang mapagtanto na ang nawawalang tupa ay napadpad sa pinakamadilim na kagubatan sa bandang kanluran.Napalunok sa takot si Thor,dahil ang madilim na kagubatan na iyon ay hindi lamang oinagbabawal sa mga tupa, kundi pati sa mga tao. Lampas na ito sa nasasakupan ng kaharian at bago pa man siya makalapit dito ay napagtanto niya na hindi siya dapat pumunta doon. Ayon sa mga alamat at mga sabi sabi, ang pagpunta sa kagubatan na iyon ay maghahatid ng tiyak na kamatayan dahil napapalooban ito ng mga nakakatakot na mga nilalang.Unti unti ng dumidilim ang kalangitan. Hindi niya maaring iwan ang kawawang tupa. Marahil kung siya ay kikilos ng mabilis, baka makuha niya kaagad ang tupa.Matapos ang isa pang pagsusuri, ay agad siyang tumakbo papuntang kanluran,papalapit sa madilim na kagubatan. Nanghihina ang kanyang kalooban, ngunit patuloy sa pagtakbo ang kanyang mga paa. Wala ng atrasan, kahit na gustuhin niya.Para siyang tumatakbo palayo sa isang masamang panaginip.

*

      Mabilis na tumakbo pababa si Thor ng walang hinto patungo sa madilim na kagubatan. Nawala ang marka ng daanan bago dumating mga puno papasok ng gubat. Nararamdaman ni Thor ang mga tuyong dahon na natatapakan ng kanyang mga paa.Sa pagpasok niya sa kagubatan, napalibutan ang paligid ng dilim. Nahaharangan ng matataas na puno ang liwanag galing sa araw. Bigla rin lumamig ang paligid at habang papasok si Thor ay nakaramdam siya ng matinding takot. Hindi dahil sa dilim o sa lamig ng hangin, nagmumula ang takot ni Thor sa ibang bagay. Isang bagay na hindi niya mapangalanan. Ito ang pakiramdam na parang may nakatingin at nagmamasid sa bawat kilos ni Thor.Tiningnan ni Thor ang mga naglalakihan at nagtitigasang mga sanga ng kahoy sa kanyang paligid. Nakakaialng hakbang pa lamang siya sa loob ng gubat ay ibat ibang tunog na ng mga kakaibang hayop ang kanyang narinig. Lumingon siya palikod at hindi na niya matanaw ang kanyang pinasukan na daan, pakiramdam niya ay wala ng daan palabas.

      Ang madilim na kagubatan ay natatago mula sa kaharian at sa kamulatan ni Thor. Punong puno ito ng misteryo. Sino mang tao na nakawala ng alagang tupa sa kagubatan na iyon ay hinding hindi susubukang pumasok dito. Kahit ang kanyang ama. Ang mga kwento tungkol sa mga kababalaghan sa kagubatan ay masyadong nakakapanghilakbot.

      Ngunit may kakaiba sa araw na ito na hindi pumigil kay Thor para pumasok sa madilim na gubat. May bahagi ng kanyang sarili ang gustong gawin lahat para lamang makalayo sa lugar na kinalakihan niya.

      Naglakad pa siya palayo hanggang sa tumigil siya,hindi sigurado kung saan pupunta. Nakakita siya ng mga nabaling mga sanga na marahil dinaanan ng kanya tupa kaya sinundan niya ang daan na ito.Makatapos ang isang oras, tuluyan na siyang naligaw. Sinubukan niyang hanapin ang daan pabalik ngunit hindi na niya ito makita. Wala na siyang ibang paraan kung hindi ang maglakad ng maglakad.Sa malayo, nakatanaw si Thor ng liwanag at agad niya itong pinuntahan. Ng marating ni Thor ang pinanggagalingan ng liwanag, hindi siya malapaniwala sa kanyang nakita.Nakatayo doon, nakatalikod kay Thor, ang isang lalaki na nakasuot ng asul na damit. Hindi, hindi ito isang tao. Nakatayo lamang ito, natatakluban ng talukbong ang kanyang ulo at hindi gumagalaw na parang walang pakialam sa kanyang paligid.Hindi alam ni Thor ang gagawin. Narinig na niya ang tungkol sa mga Druids ngunit ngayon pa lamang siya aktwal na nakakita nito. Base sa mga marka na nakaguhit sa mga damit nito, masasabi na hindi ito isang pangkaraniwang Druids, ang mga nasa kasuotan ay simbolo ng kaharian. Naguguluhan si Thor. Anong ginagawa ng isang Druid ng kaharian sa lugar na ito?.Pagkatapos ng matagal na paghihintay ay unti unti siyang hinarap ng Druid at agad itong namukhaan ni Thor. Hindi makapaniwala si Thor. Isa ito sa mga pinakakilalang Druids ng kaharian, ang personal na Druid ng hari. Si Argon, ang tanyag na tagapayo ng mga naging hari ng Kanlurang Kaharian. Kung ano man ang kanyang ginagawa sa kagubatan na ito ay isang malaking misteryo. Wari'y nananaginip lamang si Thor."Totoo lahat ng mga nakikita mo" ang sabi ni Argon kay ThorMalalim ang kanyang boses na parang nanggagaling sa mga puno. Ang mga malalaking mata nito ay nakatitig ka Thor na animo'y pumapasok sa kanyang katawan. Nakaramdam siya ng malakas na enerhiya na nagmumula sa Druid na parang nagmumula sa araw.Agad lumuhod si Thor at nagbigay galang."Nawa'y patawari ninyo ako sa aking panghihimasok" sabi ni ThorAng hindi paggalang sa tagapayo ng Hari ay hahantong sa pagkakabilanggo o pagkamatay. Isa ito sa mga batas na tumatak kay Thor simula noong siya ay bata pa."Tumayo ka anak" ang sagot ni Argon. "Kung nais kong lumuhod ka ay dapat sinabi ko iyon sa iyo kaagad"Dahan dahang tumayo si Thor. Lumapit si Argon at pinagmasdan si Thor hanggang sa hindi na mapakali si Thor."Nakuha mo ang mga mata ng iyong ina" sambit ni Argon"Mukhang nagkakamali po kayo, wala po akong ina" sagot ni Thor"Talaga? Ipinanganak ka sa pamamagitan lamang ng iyong ama?""Ang ibig ko pong sabihin ay namatay na po ang aking ina sa pagluluwal sa akin""Ikaw ay si Thorgrin, na nagmula sa angkan ng mga McLeod. Ang pinakabata sa apat na magkakapatid. Ang hindi napili." Ang tugon ni Argon.Nanlaki sa gulat ang mga mata ni Thor. Na ang isang tulad ni Argon ay kilala ang isang tulad niya. Ni hindi niya maisip na may ibang makakakilala sa kanya sa labas ng kanilang nayon."Paano…niyo po…nalaman?" Tanong ni ThorNgumiti si Argon ngunit hindi ito sumagot.Napuno ng katanungan ang isipan ni Thor."Paano…" Nanginginig na tanong ni Thor, "…niyo po nakilala ang aking ina? Sino po siya?"Tumalikod si Argon at lumakod palayo."Sa ibang pagkakataon siguro" sambit ni ArgonTiningnan lamang ni Thor habang papalayo si Argon. Isa iyong pagkikita na punong puno ng tanong at misteryo at nangyari lahat iyon sa isang iglap. Napagtanto niya na hindi to dapat matapos sa ganito kaya agad niyang sinundan si Argon."Ano pong ginagawa ninyo dito?" Tanong ni Thor. Naglakad ng mabilis si Argon gamit ang kanyang tungkod. "Hinihintay niyo po ba ako?""Sino pa?" Tanong naman ni ArgonSinundan pa din ni Thor ai Argon papasok muli ng madilim na kagubatan."Ngunit bakit ako? Paano ninyo nalaman na nandito ako? Anong kailangan ninyo sa akin?"Madaming tanong" sagot ni Argon "pinupuno mo ang paligid. Kailangan mong makinig"Patuloy na sinundan ni Thor si Argon sa madilim na kakahuyan habang pinipilit na maging tahimik."Pumunta ka dito para sa nawawala mong tupa," sabi ni Argon, "matapang ka ngunit sinasayang mo lamang ang oras mo. Hindi siya makakaligtas"Nanlaki ang mata bi Thor."Paano niyo po nalaman""Madami akong alam tungkol sa mga mundong wala kang kamuwang muwang....wala pa sa ngayon"Labis na napaisip si Thor."Ngunit hindi ka makikinig. Ito ka. Matigas ang ulo tulad ng iyong ina. Hahanapin mo pa din ang iyong nawawalang tupa."Namula si Thor habang binabasa ni Argon ang kanyang isip."Kakaiba ka," dagdag ni Argon, "malakas ang determinasyon. Positibo ang mga katangian. Ngunit balang araw, iyon ang magiging dahilan ng iyong pagbagsak ."Nagsimulang umakyat sa isang madamong lugar si Argon, at agad sumunod si Thor."Gusto mong mapabilang sa Legion?""Opo!" Ang sagot ni Thor na puno ng pananabik. "May pagkakataon pa po ba ako? Kaya niyo po ba akong tulungan?"Biglang natawa si Argon at ang tunog ng kanyang tawa ay nagpatindig aa balahibo ni Thor."Kaya kong gawin ang lahat. Nakasulat na iyong tadhana. Ngunit nasasayo ang desisyon kung anong pipiliin mo"Hindi maintindihan ni Thor.Nakarating

Скачать книгу