Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani . Морган Райс
Чтение книги онлайн.
Читать онлайн книгу Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani - Морган Райс страница 7
IKATLONG KABANATA
Si Haring MacGil, makisig ngunit hindi katangkaran na may mahabang bigote at balbas na kulay ulap, at malapad na noong napupuno na ng linya ay nakatindig sa mataas na balkunahe ng kaniyang kaharian. Katabi niya ang reyna habang pinagmamasdan ang nagyayaring kasiyahan sa loob ng kaharian, isang malawak at mataas na kaharian na napapalibutan ng pader na yari sa bato. Sa loob nito ay matatagpuan ang Korte ng Hari. Ito ay lugar na punong puno ng mga bahay na yari sa bato. Tirahan ng mga mandirigma, mga tagapangalaga,mga kabayo, ang Legion, ang Silver, ang mga tagabantay ng kaharian, ang lugar para sa mag sandata at armas at daang daang mga mamamayan na piniling manirahan sa loob ng mga pader ng hari. Bawat daan ay puno ng mga halaman, hardin, mga lugar para sa pagdiriwang. Ang korte ng Hari ay mas lalong ipinagtibay simula pa noong mga ninuno at naunang mga hari, kaya ito na marahil ang pinakaligtas na lugar sa buong kanlurang kaharian sa loob ng Bilog na KalupaanPinagkalooban si Haring MacGil ng mga pinakamagagaling at pinakamagigiting na mga mandirigma kaya sa buong buhay niya bilang Hari, walang sino man ang nangahas na umatake at lumaban sa kaharian. Siya ng ikapitong MacGil na tumapak sa trono, may tatlumput tatlong taon na bilang hari at isa siyang mabuti at matalinong hari. Naging matiwasay ang kaharian dahil sa kanyang pamumuno. Dinoble niya ang bilang ng mga mandirigma, pinalawak ang kanyang nasasakupan, tinulungan ang bawat mamamayan kaya wala silang masasabi na kahit anong masama tungkol sa kanya. Siya ang pinakamapagbigay na hari kaya ang kaharian ay nanatiling masagana at tahimik ng siya ang namuno.Subalit, hindi matahimik ang hari. Sa kasaysayan ng kaharian, ito ang pinakatagal na panahon kung saan walang digmaan. Hindi na rin niya iniisip kung sino at kailan may aatakr sa kaharian.Ang pinakakinatatakutan na lamang niya ay ang mga maaring lumaban mula sa labas ng Bilog na Kalupaan. Mula sa kaharian ng mga rebelde na pumwersa sa mga tao na pumasok sa loob ng Bilog na Kalupaan. Para kay MacGil at ang pitong henerasyon ng mga hari na nauna sa kanya, hindi pa naging sagabal ang mga rebelde sa kaharian. Dahil iyon sa magandang kinalalagyan ng kaharian, isanv perpektong bilog na napalilibutan ng mataaas na pader na yari sa bato at ng isang matinding enerhiya na nagsilbing pananggalang ng kaharian simula pa noong unang mamuno ang mga MacGil. Ilang beses ng sinubukan ng mga rebelde na siraan ang sanggalang at ang pader ngunit nabigo sila. Kaya habang sila ay nananatili sa loob ng kaharian, sila ay ligtas.Ngunit hindi iyon nangangahulugan na wala ng magiging banta mula sa loob ng kaharian. At iyon ang dahilan kung bakit hindi makatulog sa gabi ang Hari. Ito ang dahilan ng pagdiriwang ngayong araw. Ikakasal ang kanyang panganay na anak na babae. Isang kasal upang makipagkasundo sa kanyang mga kaaway mula sa Silangang kaharian sa loob ng Bilog na Kalupaan.Malawak ang sinasakupan ng Bilog na Kalupaan. Ngunit nahati ito sa gitna ng mga naglalakihang mga bundok. Sa kabilang bahagi nito ay ang Silangang Kaharian na pinamumunuan na isa pang hari at kanilang matagal ng mga kalabas, ang mga McClouds. Hindi marunong makuntento ang mga McClouds. Hindi sila nasisiyahan sa bahagi na kanilang pinamumunuan. Maging ang mga matataas na kabundukan sa gitna ay kanila ring kinukuha kahit na halos kalahati nito ay pagmamayari ng mga MacGil. Kaya simula pa noon ay nagbabanta sila ng digmaan.Hindi maiwasan ni MacGil ang mabalisa. Dapat lang maging masaya ang mga McClouds dahil ligtas sila sa loob ng Bilog at napoprotektahan ng pader. Wala silang dapat ikatakot. Bakit hindi pa sila makuntento? Dahil pinalakas ni MacGil ang pwersa ng kanyang mga mandirigma kaya hindi masubukang umatake ng kabilang panig. Ngunit, matalas ang isip ni MacGil at alam niyang ang katahimikan na ito ay hindi magtatagal. Kaya pinagkasundo niya ang kanyang anak na babae sa panganay na anak na lalaki ng mga McClouds para sa isang kasal. At dumating na ang araw ng kasal.Sa kanyang pagtingin sa ibaba, daan daang mga tauhan ng kaharian ang kanyang nakita na nagkalat sa buong sulok ng kaharian. Nakadamit ng nagtitingkaran na mga kasuotan. Dahil hindi lamang ito araw ng kasal, ito ay araw para iparating ang kanyang mensahe sa mga McClouds.Daan daang ring mga mandirigma ang nagkalat sa buong kaharian.Sapat na dami ng mandirigma na magpapakita sa lakas ng kanlurang kaharian. Ngunit umaasa pa din ang hari na sana'y maging matiwasay ang lahat sa araw na ito.Pinagmasdan niya ang lahat ng mga nangyayari. Inisip din niya ang lahat mga magaganap na mga paligsahan at palaro pagkatapos ng kasal. Panigurado ay magdadala rin ang mga McClouds ng mga sariling mga tauhan at bawat paligsahan ay may kahulugan sa kanila. Magkaroon lamang ng konting gusot ay maari itong mauwi sa digmaan."Mahal na Hari?"Naramdaman niya ang malambot na kamay ng kanyang reyna sa kanyang balikat, si Krea, na siya pa ding pinakamagandang babae na nakita ng hari sa kanyang buhay. Masaya ang kanilang pagsasama. Mayroon silang limang anak, tatlo doon ay lalaki, at wala silang naging reklamo kahit kailan. Siya din ang pinakapinagkakatiwalaang tagapayo ng hari. Mas matalino pa ang reyna kaysa sa mga lalaking tagapayo at maging sa hari."Ang araw na ito ay puno ng pulitika" sabi ng reyna, "ngunit araw din ito ng kasal ng iyong anak. Subukan mong magsaya. Ngayon lamang mangyayari ito.""Hindi ako nagaalala noong walang wala pa tayo, pero ngayong nasa atin na ang lahat puro pagaalala ang nararamdaman ko. Ligtas tayo pero iba ang nararamdaman ko"Tumingin lamang ang reyna sa kanyang mga mata. Ang mga malalaki at kulay lupang mga mata ng reyna ay nangungusap na parang alam niya ang lahat. Mayroon siyang mahabang buhok na mamumuti na. May mga ilang linya na sa kanyang mga mata ngunit wala pa ring nagbago sa kanyang magandang mukha."Iyon ay dahil hindi ka talaga ligtas," sabi ng reyna, "walang hari ang ligtas. Madaming espiya ang nasa loob ng iyong kaharian. At hindi na magbabago iyon."Lumapit ito sa hari at hinalikan."Subukan mong magsaya" ang sabi ng reyna, "isa itong kasal"Tumalikod ang reyna at pumasok sa loob.Pinagmasdan lamang ng hari ang papaalis niyang reyna. Tama siya; palagi naman siyang tama. Gusto niyang makisaya. Mahal niya ang kanyang anak at isa itong kasal. Isa itong napakagandang araw, kasabay ng napakagandang panahon. Paparating na ang tagaraw,ngunit malamig pa din ang simoy ng hangin. Magaganda ang sibol ng mga puno at halaman. Nagtitingkaran ang mga kulay ng mga bulaklak,l. Asul, dilaw, berde at madami pa.Walang ibang gustong gawin nag hari kundi ang makisaya kasama ang kanyang mga tauhan, pagmasdan ang kanyang anak sa kaniyang kasal at uminom ng alak hanggang sa hindi na niya kaya.Ngunit hindi maari. Madami pa siyang kinakailangang asikasuhin bago makalabas ng kaharian. Dahil ang araw ng kasal ng kanyang anak ay nangangahulugan ng mas madaming obligasyon para sa hari, kinakailangan din niyang makipagusap sa kanyang mga tagapayo; kasama ang kanyang mga anak at ang mahabang pila ng mga tao na may karapatan upang makita ang hari. Maswerte na ang hari kung matapos niya ang lahat bago magsimula ang kasiyahan.
Si haring MacGil, suot ang kanyang pinakamarangyang kasuotan, itim na pantalon, gintong sinturon, ang kasuotan ng hari na yari sa pinakamagandang klase ng tela, makintab na sapatos at suot ang kanyang gintong korona na napalilibutan ng mamahaling bato, ay bumaba sa kastilyo na puno ng mga tauhan. Dinaanan niya ang mga ibat ibang silid na may mga naglalakihang mga pinto. Hanggang sa makarating siya sa dulong pinto na yari sa isang puno ng narra. Binuksan ito ng mga tauhan at saka pumasok ang hari. Ang silid ng trono.Nagtayuan ang mga tagapayo sa pagpasok ng hari."Magsiupo kayo", ang sambit ng hari. Pagod na siya dahil sa mga gawain sa kaharian at gusto na niyang matapos ang lahat.
Inikot niya ang silid ng trono na sadya namang nakakamangha. Nagtataasan ang mga kisame nito,ang mga pader nito ay napapalibutan ng mga salamin at ang sahig naman ay yari sa bato. Kaya nitong pagkasyahin ang isang daang tao ngunit sa mga ganitong araw, tanging ang hari at ang kanyang mga taga payo ang nasa loob ng silid. Sa gitna ng silid ay may malaking lamesa na hugis bilog. Doon nakahilera ang kanyang mga tagapayo.Umupo siya sa kanyang trono. Isang malaking silya na kulay ginto at pulang mga unan. Dito umupo ang kanyang ama, ang kanyang lolo at lahat ng mga naging hari ng kaharian na ito. Sa kanyang pagupo, nakaramdam siya ng bigat sa pakiramdam.
Pinagmasdan niya ang kanyang mga tagapayo. Nandoon si Brom, ang kanyang magaling na heneral at tagapayo sa mga kawal; si Kolk, ang pinuno ng Legion; Aberthol, ang pinakamatanda, iskolar at naging tagapayo ng hari sa loob ng tatlong henerasyon; si Firth, tagapayo ukol sa internal na mga gawain, isang maliit na lalaki na may puting buhok. Si Firth ang tanging hindi pinagkakatiwalaan ng hari. Hindi rin niya maintindihan ang tunay na papel niya sa kaharian. Ngunit nagsilbi si Firth noong panahon pa lamang ng kanyang ama at bilang respeto ay tinanggap niya pa din ito. Nandoon din si Owen, ang kanyang taga ingat yaman; Bradaigh, tagapayo para sa mga external na gawain ng hari; si Earnan, ang tagakolekta ng buwis; Duwayne, ang tagapayo ukol sa mga mamamayan at si Kelvin, ang kinatawan ng mga marangal.Ang hari pa din ang kumokontrol ar nagdedesisyon sa lahat. Ngunit ang kaharian