na sila sa dulo ng kagubatan. Tumigil si Argon at humarap kay Thor."Mahalaga ang iyong tadhana," sabi ni Argon, "huwag mo itong babalewalain"Nanlaki muli ang kanyang mga mata. Ang kanyang tadhana? Mahalaga? Nakaramdam ng tuwa at pagmamalaki si Thor."Hindi ko maintindihan. Ang mga sinasabi ninyo ay puro mga palaisipan . Ipaliwanag niyo po sa akin. "Biglang naglaho si Argon.Nabigla si Thor sa mga pangyayari. Sinubukan niyang magmasid sa paligid at makinig. Nananaginip lamang ba siya? Kathang isip lamang ba ang lahat ng iyon?Patuloy na nagmasid si Thor sa paligid. Sa kanyang pagmamasid ay nakakita siya ng galaw sa isang banda ng gubat. Nakarinig din siya ng ingay at sigurado siyang iyon na ang kanyang tupa.Agad agad niyang nilapitan ang pinagmumulan ng ingay. Habang papalapit ay hindi niya maalis sa isipan ang kanyang pakikipagusap kay Argon. Hindi pa din siya makapaniwala. Anong ginagawa ni Argon doon? Hinihintay ba siya niyo?,pero bakit? At anong meron sa kanyang tadhana?Tuwing iisipin ni Thor ang mga sinabi ni Argon ay mas lalo siyang naguluhan. Naalala niya ang banta ni Argon na huwag ng ipagpatuloy ang paghahanap sa tupa ngunit nagpatuloy pa din siya. Habang papalapit ay nakaramdam ng kakaiba si Thor,na parang may magaganap.Biglang napahinto si Thor aa paglalakad sa kanyang nakita. Lahat ng kanyang masamang panaginip ay nagkakatotoo na. Nagtayuan ang kanyang balahibo habang napapagtanto niya na hindi dapat siya pumunta sa kagubatan na iyon.Malapit sa kinatatayuan niya ay isang Sybold. Malaki ang katawan, nakatindig sa apat nitong mga paa at kasinglaki ng isang kabayo ngunit ito ang pinakakinatatakutang nilalang,hindi lamang sa madilim na kagubatan kundi pati sa buong kaharian. Hindi pa nakakakita si Thor ng ganitong nilalang ngunit madaming istorya tungkol dito. Para itong isang leon ngunit mas malaki at mas mabagsik na may mga nanlilisik na dilaw na mga mata. May mga nagsasabi na ang namumulang kulay nito ay nagmula sa batang kanyang biniktima.Nakarinig na din si Thor ng mga kwebto tungkol sa mga nakakita sa halimaw na ito. At wala sa mga ito ang nabuhay. May ilan na nagsasabing ang Sybold ay diyos ng kagubatan, isang pangitain. Kung anong pangitain? Hindi ito alam ni Thor.Dahan dahan siyang pumihit patalikod.Ang nanlilisik na mga mata ng Sybold ay nakatitig sa dirkesyon ni Thor habang naglalaway ito at nakalabas ang mga matatalim na pangil. Sa bunganga nito ay ang nawawalang tupa ni Thor,sumisigaw ngunit halos wala ng buhay. Dahan dahan kung kainin ng Sybold ang tupa na parang nasisiyahan ito sa paghihirap ng tupa.Hindi makayanan ni Thor habang pinagmamasdan ang paghihirap ng tupa. Pakiramdam niya ay siya ang rason sa paghihirap nito.Unang pumasok sa isip ni Thor na tumakbo na lamang paalis ngunit siguradong maabutan siya nito at hindi niya pwedeng hayaang mamatay ang tupa.Tumayo lamang siya doon na puno ng takot at alam niyang sa anumang sandali ay kailangan na niyang kumilos.Ng walang kahit anong plano ay kinuha niya ang kanyang tirador at mga bato sa kanyang tagiliran. Nanginginig niyang itinapat ang tirador.Pinakawalan niya ito at saktong tumama sa mata ng tupa, tagos hanggang sa utak nito. Patay na ang tupa. Tinapos na niya ang paghihirap nito.Galit na galit ang Sybold na natapos na ang kanyang paglilibang. Ibinagsak nito ang tupa sa lupa at ibinaling ang nanlilisik na mga mata nito kay Thor.Naglabas ito ng malakas at nakapangingilabot na tunog.Bago pa makalapit ito kay Thor ay kumuha na siya agad ng bato at inihanda ang kanyang tirador.Gumalaw ng mabilis ang Sybold, isa sa pinakamabilis na nilalang na nakita ni Thor. Agad nanalangin si Thor na sana'y matamaan niya ito dahil alam niyang wala na siyang oras upang tumira ng pangalawang bato bago pa ito makalapit sa kanya.Tumama ang bato sa kanang mata ng Sybold na nagpabagsak dito. Ang ganoong tira ay sigaradong magpapahirap sa ordinaryong hayop.Ngunit hindi ito isang ordinaryong hayop. Sumigaw ang Sybold sa sakit ng tama ngunit muli iton bumangon at tumakbo ng mabilis,kahit na nawala na ang isa nitong mata at may batong tumama sa kanyang utak. Wala ng ibang magagawa si Thor.Makalipas ng ilang segundo ay nakalapit na ang Sybold kay Thor,. Ginamit nito ang kanyang mga pangil at sinugatan si Thor sa balikat.Napasigaw sa matinding sakit si Thor. Ang sakit ay parang nanggaling sa tatlong matatalim na kutsilyo na itinusok sa balikat nito. Tumagas ang madaming dugo sa kanyang balikat.Pinatumba ng Sybold si Thor at dinaganan gamit ang apat na paa nito. Ibang klase ang bigat nito. Parang may elepante na tumapak sa dibdib ni Thor. Naramdaman niya ang pagdurog nito sa mga buto ni Thor.Binuksan ng Sybold ang kanyang bunganga at inilabas ang mga pangil. Gagamitin niya ang mga ito para kagatin sa leeg si Thor.Ngunit bago ito mangyari, hinawakan ni Thor ang leeg ng halimaw. Sobrang lakas nito. Unti unting nanghihina ang mga kamay ni Thor habang papalapit ang mga pangil ng halimaw. Naramdaman ni Thor ang mainit na hininga ng Sybold at ang laway nito na tumutulo sa kanyang leeg. Ito na ang katapusan ni Thor.Ipinikit ni Thor ang kanyang mga mata."Panginoon,tulungan niyo po ako. Bigyan niyo po ako ng sapat na lakas upang talunin ang nilalang na ito. Gagawin ko po ang lahat ng ipaguutos ninyo. Tatanawin ko po itong isang malaking utang na loob"At biglang may naramdaman si Thor. Isang matinding init na unti unting dumadaloy sa kanyang katawan. Binuksan niya nag kanyang mga mata at nagulat sa kanyang nakita; isang liwanag ang nagmula sa kanyang mga palad at ng itulak niya ang halimaw, nasubukan niyang pantayan ang lakas nito.Pinagpatuloy ni Thor ang pagtulak sa halimaw. Habang tumatagal ay nararamdaman niya ang lalo niya paglakas. At sa isang iglap ay naitapon niya ang halimaw patalikod at bumagsak ito sa lupa.Napaupo si Thor at hindi makapaniwala sa kanyang nagawa.Muling tumayo ang halimaw at muling tumakbo papunta kay Thor ngunit sa pagkakataon na ito, kakaibang lakas ang naramdaman ni Thor sa kanyang katawan.Sa pagatake ng halimaw, hinawakan ni Thor ang sikmura nito. Muling tumilapon ang halimaw at tumama sa isang puno.Napatitig lamang si Thor sa kanyang ginawa. Talaga bang naitapon niya ang isang Sybold?Muling tumayo nag Sybold at naghanda sa pagsugod.Sa paglapit nito, hinawakan namin ni Thor ang lalamuna ng halimaw. Pareho silang bumagsak sa lupa, nasa ibabaw ang halimaw. Umikot si Thor. Sinakal ni Thor ang halimaw habang nagpupumiglas ito. Pinagpatuloy ni Thor ang pagsakal at naramdaman niyang siya ay mas malakas na sa Sybold.Sa pagsakal ni Thor ay unti unting nanghina ang halimaw ngunit hindi bumitaw si Thor.Dahan dahang tumayo si Thor. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nagawa. Napatay niya ang isang Sybold.Alam niyang may kakaiba talaga sa araw na ito. Napatay niya ang pinakakinatatakutang halimaw sa buong kaharian. Walang gamit na anumang sandata o armas. Parang hindi totoo. Walang maniniwala sa kanya.Hindi niya maipaliwanag kung saan nanggaling ang kanyang kakaibang lakas. Sino ba siya talaga? Pawang mga Druids lamang ang may kapangyarihan at lakas na katulad ng sa kanya. Ngunit hindi naman siya isang Druids. Maging ang kanyang ama't ina.O hindi nga ba?Nang biglang may naramdaman si Thor na parang may nagmamasid sa kanya. Sa kanyang paglingon, nandoon si Argon, nakatindig habang pinagmamasdan ang patay na halimaw."Paano ka nakarating dito?"tanong ni Thor.Ngunit hindi sumagot si Argon."Nakita mo ba kung anong nangyari?" Patuloy ni Thor "hindi ko maintindihan!""Alam kong alam mo," sagot ni Argon, "alam mong hindi ka pangkaraniwan""Biglaang lakas ang aking naramdaman, kapangyarihan na hindi ko alam kung saan nagmula" sabi ni Thor"Energy field" sagot ni Argon, "maiintindihan mo din ito sa tamang panahon. Matututunan mo din itong kontrolin at gamitin."Patuloy ang pagdurugo ng balikat ni Thor. Matinding sakit. Hindi niya maisip kung anong maaring mangyari sa kanya kung walang tutulong sa kanya.Lumapit si Argon,inabot ang isang kamay ni Thor at inihawak sa sugat nito. Pumikot ito.Biglang nakaramdam si Thor ng init. Unti unti natuyo ang dugo sa kanyang braso at unti unting nawala ang sakit na nararamdaman niya.Tiningnan ni Thor ang kanyang balikat. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. Naghilom na ang kanyang sugat. Natira lamang ang bakas ng tatlong pangil ng halimaw ngunit natuyo na ito. Wala ng dugo.Gulat na tumingin si Thor kay Argon."Paano mo ginawa yun?" Ang sambit ni Thor.Napangiti lamang si Argon."Hindi ako. Ikaw! Tinulungan lamang kita na ilabas ang iyong kapangyarihan""Ngunit wala akong kapangyarihan na makapagpagaling" litong tanong ni Thor"Wala nga ba?"ang tanging sagot ni Argon"Hindi ko maintindihan" hindi na mapakali si Thor. "Pakiusap. Ipaliwanag mo sa akin.""Malalaman mo din sa takdang panahon" sabi ni ArgonBiglang may naisip si Thor."Ibig sabihin ba nito ay maari na akong sumali sa Legion?" Tanong ni Thor, "..kung kaya kong pumatay na Sybold, magiging madali na para sa akin ang pakikipaglaban sa kahi na sino.""Maaari," sagot ni Argon"Ngunit ang pinili nila ay ang mga kapatid ko, hindi ako" sambit ni Thor."Hindi kayang pumatay ng halimaw ng mga kapatid mo""Kailan pa kinailangang piliin ng ibang tao ang isang tunay na mandirigma?" Patuloy ni ArgonBiglang nakaramdam ng kakaibang saya si Thor."Sinasabi mo ba na dapat akong pumunta doon kahit hindi ako pinili?"Ngumiti lamang si Argon."Ikaw ang gumawa ng iyong tadhana. Hindi tulad ng iba. " paliwanag ni ArgonAt sa iglap, bigla na lamang naglahong muli si Argon.Sinubukang hanapin ni Thor sa paligid si Argon."Dito!," sigaw ng isang bosesPaglingon ni Thor ay isang malaking bato ang tumambad sa kanyang harapan. Ang boses ay nagmula sa tuktok nito. Agad itong inakyat ni Thor.Pagdating niya sa tuktok, wala siyang nakita kahit anino ni Argon.Ngunit mula sa kinatatayuan niya, nakita niya ang daan palabas ng madilim na kagubatan at ang daan patungo sa kaharian."Nandiyan na ang daan, nasasayo na lamang kung susundan mo ito" bulong ng isang boses.Walang ibang tao na nakita si Thor ngunit alam